Skip to content

CHAIN OF COMMAND AND THE MAMASAPANO DEBACLE

January 31, 2016

At Disqus I offered my view on how the breach in the chain of command contributed to the disaster in the Mamasapano.  (with a few changes and corrections)

Because Purisima was suspended, he could not legitimately, let alone effectively, exercise the power and authority of a PNP chief. He had to do it unofficially and surreptitiously, even perhaps reluctantly. In fact, he was in far away Nueva Ecija all that time! The chain from the commander in chief to the PNP chief therefore was essentially broken. Napeñas was practically reporting to no one and had no one effectively supervising and guiding him as it should be because Purisima had no official role, a nonentity as far as the official chain of command was concerned. Espina, then acting PNP chief, should be the one filling the part which included coordinating the entire affair with his counterpart in the AFP, AFP Chief Catapang.  But because Espina was out of the loop and knew nothing about the operation, he could not do so quickly, decisively and authoritatively. So Napeñas was all on his own calling on officials of the AFP who were outside his own organization, and moreover higher in rank. That is not the protocol. He should be calling his boss, in this case, Espina, and Espina would be the one calling the AFP Chief. ( As it was, Napenas was calling and reporting to Purisima instead) Then it would be the AFP Chief barking the orders to the field commanders. (Even then, the AFP Chief would have first to clear the matter with the President because Espina is not his superior.) There was of course some reluctance of AFP personnel to act based on calls from Napeñas because Napeñas is from PNP and they were trained to receive guidance and orders from their commanders WITHIN the AFP.  Sadly nothing of clarity was forthcoming because the chain of command was broken at the very top.

It could be added that the animosity and rivalry of the two organizations had actually worsened the situation.  This issue surfaced flagrantly once more in the last Senate hearing.

AN ADVENTURE IN THE PHILIPPINES: AN OLD DOCUMENTARY

January 6, 2016

GIVE A LITTLE LOVE

January 4, 2016

LOOKING AT THE UNIVERSE

December 15, 2015

Seeing the Universe from the largest to the smallest perspective.  An amazing video.

 

 

 

DEPENSA KAY PRESIDENT MARCOS 4

November 17, 2015

KARUGTONG

Mga Nagawa at ang Hatol ng Kasaysayan

Sa paglipas ng panahon, naghihilom ang lahat ng sugat, nagkakaroon ng panibagong perspektiba kung saan ang buong larawan ay mas nakikita nang malinaw, mas nasusuri.   May bentahe ang pagbabalik-tanaw at paghahambing.  Dagdag din ang mga panibagong kaalamang kailan lamang lumilitaw upang punuan ang mga dating nawawalang bahagi ng mga sari-saring kuwento.  Andiyan din ang mga nakababatang henerasyong may iba nang pananaw tungkol sa mga bagay-bagay, kasama na ang mga pangyayari sa nakaraan.

Diyata’t may pamamangha ang mga kabataan kung bakit ang Presidenteng itinuturing na isang demonyo ng mga kontra-Marcos ay nagtala pala nang napakahabang listahan ng mga nagawa, mas nakararami pa kaysa sa mga sumunod na mga Pangulo, pagsasamasamahin pa.  Tila hindi yata kaugma. Masamang pangulo ba yang puspusang  itinaguyod ang malawakang pagpupundar ng mga kapaki-pakinabang na imprastraktura: mga institusyong pang-edukasyon at mga gusaling pampaaralan, mga tulay at highway, mga dam at mga sistemang patubig, mga power plants, mga ospital at mga sentrong medikal, mga sentro ng pananaliksik sa agham at teknolohiya,  mga sentro ng kultura at arte at marami pang imprastraktura?  Masamang lider ba yang nagsumikap ipagpapatupad ang mga malawakang stratehikong programa na binalangkas pa ng ilan sa mga pinakamahusay na eksperto?   Katunayan, sa isang may kaalaman sa ekonomiya at pamamahala,  tiyak na kanyang makikita ang isang lider na nagsikap ipundar ang pundasyon ng pag-unlad.   Saan mang anggulo, malayong gawain ito ng isang lider na ang layon at pagiisip ay sadyang sirain at pabagsakin ang isang bansa.

Wiling-wili ang mga puwersang kontra-Marcos sa pagkukuwento kung paano di-umano’y winasak ni Marcos ang bansa sa pamamagitan ng deklarasyon ng Batas Militar noong 1972 at pagkatapos noon kanya daw mismong pinangunahan ang pagdadambong sa ekonomiya.  Sa katunayan, kanilang isinisisi ang lahat na naging depekto at  dahilan ng pagbagsak ng Pilipinas sa puntong ito ng kasaysayan. Datapuwa’t, kailangan sigurong kanilang doblehin ang pagsisikap upang ibenta ang paniniwalang ito sa mga kabataan ngayon.  Kailangan marahil nilang maglatag ng mga detalye, halimbawa, kung paano isinagawa ang mga pagnanakaw, paninira, at  iba pang sinasabing mga karumal-dumal na krimen.  Ang mga pasagasa, pangahas at lahat-lahatang pagpaparatang ay di na sapat. Bagot at hindi na tinatablan ang mga kabataan sa mga pauli-ulit at hapong-hapo nang mga pahayag na si Marcos ay isang napakasamang tao ngunit wala namang ini-aalok na matinding katibayan upang pagbatayan.   Dapat bang hamakin ang katinuan ng mga kabataan (young and stupid, ayon sa isang blogger) dahilan sa sila ay may salungat na paningin sa mga pangyayari?

Kung paghambingin halimbawa ang kasalukuyan sa mga panahong iyon,  nakakaangat ba sa paningin ng mga kabataan ang kasalukuyan?  Isang debilitadong pamahalaang puno nang mga inkompetente at ipokrito. Malawakan at lumalalang kahirapan at kagutuman.  Deteryoradong imprastraktura.  Pangunahing bilihin na sobrang mahal. Kawalan ng trabaho. Bumababang productivity.  Mababang pamumuhunan.  Mahinang sandatahang lakas. Malawakang katiwalian. Mataas na presyo ng elektrisidad (ang isa sa mga pinakamataas na sa mundo), banta ng blackouts. Tumataas na kriminalidad. At marami pang iba, lahat tanda ng lumalalang deteryorasyon.

Kung  si Marcos nga ang  dapat sisihin sa lahat,  nararapat lamang na sa kanyang pag-alis, tatlumpung taon na ang nakaraan,  naging malayong mas mabuti na ngayon.   Sa mga may malawak na pang-unawa sa mga kabataan, kanilang nauunawaan na kung hindi para sa mga padalang pera ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa, kasama ng mga ito ang kanilang mga magulang at kamag-anak, tayo ay matagal nang bagsak, isang bigong estado. Ang pinakamatinding pagpapabula ay kung paanong, sa halip, pagkawala ni Marcos, tayo ay bumulusok pababa kumpara sa ating mga kapit-bansa sa rehiyon kung saan maski Vietnam ay nagbabantang tayo din ay lalampasan. Ang  sinasabi ninyong mandarambong ay matagal nang wala, ano ang nangyari?

Sa bandang huli, si Marcos ay huhusgahan base sa kanyang mga nagawa at kung paano siya maikukumpara sa mga ibang Presidente.   Nag-aantay pa upang busisiin ng mga historians ang mga ga-bundok na mga dokumento, bukod sa mga nauna nang naisa-publiko, bago  makagawa ng isang obhektibo at makatarungang paghatol.   Sa hinaba-haba,  sa aking palagay, siya ay kakatigan.   Ang katotohanan ay mananaig sa propaganda ng kanyang mga kaaway.  Anuman ang mangyari, ang mas makatuwiran at mas mahusay na argumento ay mangingibabaw.

Tiyak naman, nagkaroon si Marcos nang mga pagkukulang at pagkakamali, bilang Presidente at bilang isang tao. Ngunit isang bagay ang akusahan ang isang Pangulo ng pagkukulang sa gawa,  hindi tamang mga patakaran, maling pagpapasiya, pagkakamali sa estratehiya o sa pagpapatupad ng tungkulin na maaaring nagdulot nang masamang kahihinatnan. Ibang bagay naman ang siya ay akusahan ng talamak na kasamaan ng pag-iisip at karakter,  ang ipalagay na  kanyang puspusang pinag-isipan, pinagplanuhan at kinusa ang mangwasak at manira, upang sa ultimo ay siya ang makinabang,   ang siya ay paratangan nang lahat na yatang uri ng kawalanghiyaan, upang sa kabuuan ay ituring siyang isa sa mga pinakademonyong nilalang na nabuhay sa balat ng lupa.

WAKAS

 

DEPENSA KAY PRESIDENT MARCOS 3

November 10, 2015

KARUGTONG

Itinatagong yaman, nakaw na yaman

Noong una, noong 1986, tinatayang ang nakaw na yaman ni Marcos ay nasa $30B.  Makaraan ang sampung taon, $20B na.  Isang dekada pa, $10B na lang. Nitong huli, $5B hanggang $10B na daw, paghahanda siguro upang ibababang muli ito sa $5B.  Gayunpaman, napakalaking halaga pa rin ito saan man tingnan.

Ang pagbibintang na dinambong ni Marcos ang pambansang pananalapi ay nakabatay sa premis na ito:  na si Marcos ay nagmamay-ari lamang ng X pesos batay sa kanyang kita ayon sa kanyang Income Tax Return; ngunit siya pala ay may X dollars  na itinago sa iba’t-ibang mga account sa bangko sa buong mundo kasama ang iba pang hindi mabilang na mga mamahaling ari-arian na malinaw namang hindi tugma sa kanyang kakayahang pinansiyal. Samakatuwid, nagnakaw siya sa Treasury. Ganoon ang doktrina simula’t sapul pa. Ngunit kung ito ay Logic 101, kulang ka sa premis.  Sasabihin sa iyo, hindi lohikal ang ganyang konklusiyon.  Bago ka makarating diyan, kailangan mo ang isa pang premise:  na si Marcos ay wala nang iba pang pinagkunan.  Logic yan.   Nakapagtataka lang na sa isyu ng yaman ni Marcos,  nilalaktawan na lamang ito na para bang isang kalabisan.  Ah, basta, magnanakaw yang si Marcos!  Ni huwag ipagbakasakali: “ baka naman may iba pang mga pinagkunan?”  Ikaw ay tutuyain lamang “… at nagpapaniwala ka naman sa kuwentong nagmula ito kay Yamashita, tanga ?!”

Ano’t anupaman, ang logic ay logic. Ang saligan na walang iba pang mapagkukunan si Marcos ay dapat mapatibayan, kasama ang iba pang premis.  Kung wala ito, hanggang doon ka lang sa konklusiyong si Marcos ay may kayamanang hindi maipaliwanag.  Ngayon,  ang igiit na dahil sa ito ay hindi maipaliwanag, samakatuwid, nakaw- ito ay maling logic.  Logical fallacy ‘ika nga.

Sa ngalan ng katotohanan at katarungan, dapat hingin ang paliwanag ng nagmamay-ari: okay, kung ito ay hindi nakaw mula sa pambansang pananalapi,  paano mo kinita ang iyong yaman? Sa kasamaang palad, ang  dapat  magpaliwanag ay patay na nang matagal.  Tama bang ipagpalagay na alam ng asawa o mga anak ang lahat  tungkol dito at tama bang ipagpalagay na kasama sila sa krimen?   Sa kanyang kredito, pagkatapos ng kanyang pagkakapatalsik at ang mga detalye tungkol sa kanyang mga malalaking yaman ay nagsisimula nang lumabas, nagboluntaryo siyang magpaliwanag payagan lang siyang  umuwi.  Hindi siya pinayagan kaya’t hayun, walang nangyari.

Ang maigi sigurong malaman ay kung paano ang tingin ng mga kabataan sa kasong ito.

Kung may ninakaw, may pinagnakawan, may nawawala. Kung ang yaman ni Marcos ay ninakaw, saan ito ninakaw?  Ano ang nawawala?  Sa bandang ito kapos ang mga nag-aakusa.   Aking iminungkahi  ilang beses sa mga online forums na upang makagawa ng isang malinaw na kaso ng pandarambong, isang malawakang audit sa mga malalaking transaksyon sa panahon ng rehimen ang dapat gawin dahil doon makikita kung paano ginawa ang pandarambong kung totoong mayroon nga.  Dapat nga noon pa ito ginawa— kung hindi pa ito ginagawa.  Ang mga ninakaw na pondo ay magpapakita bilang overpricing o bilang ghost projects / ghost purchase o nawawalang transaksyon  na ang sinumang masigasig na accountant ay makikita at makikita.  Hindi ito puwedeng itago dahil ang lahat na lumalabas at pumapasok sa National Treasury, ultimo sentimo, ay dokumentado at nakatala.    Maliban kung sinunog, ngunit wala namang ganitong nangyari.   Lalo na, dahil  ang pinag-uusapan  dito ay  tinatayang 10 bilyong dolyar— katumbas ng mahigit apat na raang bilyong piso—  ang ganito kadambuhalang pandarambong ay  mag-iiwan ng bakas o documentary trail na sinlawak kumbaga ng isang superhighway na hindi puwedeng pabulaanan. Iyon sana ang magiging matatag na ebidensiya upang patibayan ang pagbibintang  na dinambong ni Marcos ang Treasury ng bilyun-bilyong dolyar.  Mahalaga ito upang pagtibayin din sa mata ng mga kabataan na totoo ang bintang at hindi paninira lamang,  sa gayon matigil na sila sa kapapaniwala sa mga kuwento tungkol  mga ginto sa panahon ng digmaan na diumano’y napundar ni Marcos. Kaso, walang ganito.

Masisisi mo ba ang mga kabataan kung bakit mahina ang kanilang paniniwala sa mga pagpaparatang?  Sa napakahabang panahon ba namang wala mang makitang  anumang maihahambing na proyekto, natural na magtataka ang mga kabataan kung paanong ang isang ‘tulisang’ Presidente, habang diumano’y nililimas ang buong nilalaman ng Treasury ay magawa pang ipagsabayan ang magpatayo ng mga napakarami at naglalakihang proyektong imprastraktura, na hindi pa nahihigitan pagsamasamahin mo man ang nagawa ng mga sumunod sa kanya.   Sa kanila, ang ganito ay kamangha-mangha!

Sa YouTube, marami ang mga videos kung saan si Imelda ay ginagawang ipaliwanag kung saan galing ang yaman ni Marcos.  Marami pang iba sa Internet. Tinatawanan lang ito ng mga kontra-Marcos, propaganda daw na binabayaran ng mga Marcos.    Ni ayaw ngang tingnan na para bang isang isulto sa kanilang katinuan.  Sa totoo lang, medyo mahirap ngang paniwalaan.  Ganunpaman, panahon na siguro upang tingnan at suriin ang mga dokumentong madalas kanyang iwinawagayway bilang patotoo sa kanyang mga kuwento. Panahon na siguro upang hayaang magpaliwanag si Imelda at patunayan ang kanyang mga pahayag at pasinungalingan ang mga paratang.  Wala namang mawawala.

Ang alam ko, may pagdududa man, may hatak ang mga pahayag ni Imelda at mga katulad nito sa mga kabataan.  Dito nauunsyami ang mga kontra-Marcos.  Tawag tuloy sa mga kabataan, mga kulang sa pag-iisip at katinuan.

ITUTULOY

DEPENSA KAY PRESIDENT MARCOS 2

November 3, 2015

KARUGTONG

Paglabag sa karapatang pantao

Sa isyu naman ng human rights, walang iniiwang pagkakataon ang mga grupong kontra-Marcos maisalarawan lamang siyang parang sa isang mabangis na halimaw.  Upang patotohanan ang kademonyohang ito ni Marcos, palaging laman ng kanilang litanya, kasabay ang tigib-luhang pagdadalamhati at nagliliyab na ngitngit, ang mga ibat ibang kuwento ng mga pangit na naging karanasan ng maraming mamamayan sa mga abusado at kurap na sundalo o pulis sa mga panahong iyon.  Isang dalagang ni-reyp ng mga sundalo, mga manggagawang tinortyur sa isang tagong lugar, isang purok na sinunog, mga magsasakang nawawala at pinaghahanap ng pamilya…  Sa mga panahong iyon, maaring epektibo ito upang  parubdubin ang apoy, ngunit sa mga kabataan ngayon na malayo na sa panahong iyon, ewan kung ito ay umuubra.   Nararapat bang ang mga pang-aabuso at pagkakasala ng ilang mga kawal o sundalo sa ibaba ay ituring na pang-aabuso at pagkakasala ng isang Pangulo?  Totoo, may tinatawag tayong command responsibility ang isang Pangulo pero hindi naman ito sinasakop lahat.

Dapat ding ilagay sa konteksto ang mga pangyayari.  Hindi normal ang panahon; may nagaganap na madugong rebelyon.  At sa paglaban sa mga puwersa ng gobyerno, naging tuso, marahas, at mabagsik din ang mga rebelde.   Ang isyung human rights halimbawa ay ginawang kalasag at pang-propaganda upang himukin ang simpatya ng mga tao.   Nawawalang estudyante sabi, ngunit maaring rebel combatant pala ito na namatay sa isang sagupaan.   Sinunog na nayon sabi, kampo pala ng mga rebelde.  Social worker sabi,  yun pala  rebel recruiter.  Labor leader sabi pero isang urban commando member naman pala.  Meron ngang isang prominenteng aktibistang pari na sinasabing dinukot ng militar, yun pala, nagtanan ng babae at sa ibang bansa nagtago. Kung kaya’t sa isyung ito, mahalagang isaisip na malimit ay naghahalo ang propaganda sa totoo.

Upang malaman at maintindihan ang kabuuan, dapat pakinggan din ang panig ng kasundaluhan at kapulisan, hindi lang ang panig ng mga lumaban sa gobyerno.  Dahil, kung may biktima, may nambiktima.  Hindi man tuwiran, ang inaakusahan ng pambibiktima, mangyari pa,  ay ang mga alagad ng estado.   Lamang ay sa prinsipyong hindi mawari, sila’y nilaktawan at sa halip, kay Marcos idinidiretso ang pagbibintang.  Sa tono tuloy, para bang si Marcos ang siyang mismong rapist, torturer o murderer.

Dapat, ang katanungan ay hindi kung meron o walang naging mga human rights violations, dahil mismo si Marcos ay hindi naman ito itinanggi.  Sa katunayan, siya ay bumuo ng mga independent bodies bilang pagkilala sa problema at upang imbestigahan ang mga ganitong paratang at parusahan ang mga may kasalanan.  Ang katanungan dapat ay hanggang saan ba ang saklaw ng kanyang pananagutan bilang isang Pangulo.  Gaano at hanggang saan dapat mananagot ang isang Presidente sa mga naging paglabag at krimen ng mga sundalong nasa tungkulin—maliban sa command responsibility.  Siguro, ang isang bagay na nakalilito para sa mga kabataan ngayon ay bakit mukhang  hindi pare-pareho ang paghuhusga.  Kung ang tunay na isyu ay human rights violations at prinsipyo ng command responsibility ang sinusundan, bakit itong bukod-tanging pangkamuhi at paghihiganting nakatuon lamang kay Marcos?  Walang duda namang ang problema sa human rights violations ay nagpatuloy sa lahat na naging Pangulo pagkatapos niya, at naging mas malubha pa sa ilang panahon.  May ibang tunay na rason kung bakit ang mga sinasabing human rights advocates ay abot hanggang langit ang pagngingitngit kung kay Marcos, ngunit sa iba namang Presidente ay tahimik lang, wala namang ganoong pag-intindi sa mga ganitong kaso sa ilalim nina Cory, FVR, Erap, GMA at Noynoy.

Tulad niyan, kailan lang, ipinasa ang isang batas na nagbibigay  ng P10B bilang umano ay danyos sa mga sinasabing biktima ni Marcos.  Sa programang idinaos upang ipagdiwang ang makasaysayang pagpirma sa batas na ito, anduon at pumailanlang ang Presidente Aquino upang ipagbunyi ang sinasabing pagbibigay hustisya sa mga umano’y naging biktima ng kalupitan ni Marcos.   Ang hindi sinasadya,  ito rin mismo ang siyang nagbunyag sa tunay na katauhan ng mga kinikilala at ibinabandilang “sampung libong biktima ng Martial Law”.   Ang ‘sampung libong’ ito ang madalas na ginagamit na pagpapatunay kung gaano kademonyo itong si Marcos.  Yun pala, kung siyasating mabuti, lahat sila halos ay kasapi ng SELDA, isang maka-komunistang grupo.   Tingnan na lamang, sino ba ang nangunguna sa listahan kundi ang founder at dating pinuno ng Communist Party of the Philippines na si Propesor Joma Sison na hanggang ngayon ay naka-exile sa Netherlands.  Ito ang bagay na pilit pinagtatakpan. Ang mga kabataan, siguro nasasabi na lamang, “hindi bat sinasabi nilang mga peste itong mga komunistang ito, ba’t nila ngayon sila pinaparangalan at  binibigyan pa ng bilyones;  pinagtutugis sila ni Marcos noon,  ngunit siya itong kanilang inaalipusta!” Dito katunàyan nabubunyag ang tunay na kulay ng mga ibang kontra-Marcos; karaniwan kasi, panay  ang ginagawang paghamak at pagmamaliit sa mga grupo ng komunista ngunit kung hinggil na kay Marcos,  aba’t biglang kambiyo, bigla silang mga magigiting na bayani.

Isa pang bagay na nakapagtataka, bakit hindi  kailanman inusig si Juan Ponce-Enrile na siyang tumayong Martial law administrator at ang dating Presidente Fidel Ramos na siya noong pinuno ng kapulisan?   Bakit walang interes malaman ang mga direktang sangkot, kung sino ang mga sundalong may kagagawan, sino ang kanilang mga kumander, atbp?  Mahaba at malawak ang chain of command mula puno hanggang dulo, ngunit bakit diretso ang pagbibintang at paninisi kay Marcos?

ITUTULOY

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 32 other followers